BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

My Motto

life is too short so do all the things that will make you happy..

Sunday, April 4, 2010

Pawis na pawis ang dalaga, hirap na hirap sa paghinga, sumisigaw, sigaw na umaabot sa pandinig ni Charlene kaya’t agad itong pumunta sa kanya. Niyugyog ni Charlene ang kaibigan. Elena gising!! Gising!! Napamulat si Elena dahil sa pagkakayugyog sa kanya, bumangon ito. Humihingal, tumutulo ang luha. Elena, binabangungot ka. Nag aalalang tinig ni Charlene.
Napanaginipan ko si Inay at Itay kasama ko daw silang namamasyal, masayang Masaya kami ng biglang napadaan kami sa isang madilim na lugar. Tinatawag ko sila dahil hindi ko sila makita. Hanggang sa magliwanag, nakita ko silang unti unting naglalaho. Lumapit ako upang yakapin sila ngunit huli na, naglaho na silang dalawa at iniwan ako. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang dalaga.
Ginagap ni Charlene ang kamay ni Elena.
Panaginip lang iyon Elena, oo nga’t patay na ang iyong ita’y ngunit ang iyong Inay ay nariyan pa, buhay pa siya. Matulog ka na Elena, pagod ka kaya kung anu-ano na ang napapanaginipan mo.
Ilang sandal pa ay umalis si Charlene at muli nakatulog si Elena.
Habang nagdadan ang mga araw, papalapit ng papalapit ang araw ng pagtatapos ni Elena. M,asaya si Elena dahil alam niyang makukuha ni ya ang karangalan na pinagsisikapan niya. Hindi naman sa pagmamalaki ngunit si Elena ay sadyang napakatalino, hindi malabong siya ang maging cum laude. Pinagsisikapan niyang makuha iyon dahil alay niya sa kaniyang magulang. Bilang pagpapasalamt sa pagmamahal na ibinibigay

0 comments: