BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

My Motto

life is too short so do all the things that will make you happy..

Thursday, May 6, 2010

halalan

malapit na ang halalan sino kaya ang magwawagi sa na kung sinu man eh maging maganda ang pamamamalkad nila. para naman kahit pano umangat ang ating bansa at matigil na ang mga kahirapan at kaguluhan!!!!!!!

Sunday, April 4, 2010

fitz

Pawis na pawis ang dalaga, hirap na hirap sa paghinga, sumisigaw, sigaw na umaabot sa pandinig ni Charlene kaya’t agad itong pumunta sa kanya. Niyugyog ni Charlene ang kaibigan. Elena gising!! Gising!! Napamulat si Elena dahil sa pagkakayugyog sa kanya, bumangon ito. Humihingal, tumutulo ang luha. Elena, binabangungot ka. Nag aalalang tinig ni Charlene.
Napanaginipan ko si Inay at Itay kasama ko daw silang namamasyal, masayang Masaya kami ng biglang napadaan kami sa isang madilim na lugar. Tinatawag ko sila dahil hindi ko sila makita. Hanggang sa magliwanag, nakita ko silang unti unting naglalaho. Lumapit ako upang yakapin sila ngunit huli na, naglaho na silang dalawa at iniwan ako. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang dalaga.
Ginagap ni Charlene ang kamay ni Elena.
Panaginip lang iyon Elena, oo nga’t patay na ang iyong ita’y ngunit ang iyong Inay ay nariyan pa, buhay pa siya. Matulog ka na Elena, pagod ka kaya kung anu-ano na ang napapanaginipan mo.
Ilang sandal pa ay umalis si Charlene at muli nakatulog si Elena.
Habang nagdadan ang mga araw, papalapit ng papalapit ang araw ng pagtatapos ni Elena. M,asaya si Elena dahil alam niyang makukuha ni ya ang karangalan na pinagsisikapan niya. Hindi naman sa pagmamalaki ngunit si Elena ay sadyang napakatalino, hindi malabong siya ang maging cum laude. Pinagsisikapan niyang makuha iyon dahil alay niya sa kaniyang magulang. Bilang pagpapasalamt sa pagmamahal na ibinigay sa kanya mula noong siya ay bata pa.
Ngunit sa kasamaang palad pumanaw ang kanyang ama kaya hindi na niya ito makikita, de bale andyan naman si Inay.
Dalawang buwan at kalahati nalang ay araw na ng pagtatapos.
Hindi alam ni Elena na pinaghahadaan ng kanyang Inay Nena ang araw ng kanyang pagtatapos sabay sila ng kaniyang kapatid na si Jonathan na magtatapos na rin ng high school.
Sa pamamagitan ng paglalakad ng gulay at meryenda ay nakakaipon ito.
Isang gabi, tulog na ang mga anak ni Aling Nena. Katabi ni Nena ay ang kanyang bunsong anak na si Mary. Isang sobre ang kinuha niya sa ilalim ng unan. Nakapaloob dun ang perang iniipon niya para ipahanda sa araw na pinakahihintay.
Anak para sa inyo ni Jonathan sanay magustuhan niyo ang ihahanda ko. Wala sa loob ni Nena ng puntahan niya ang kanyang anak na si Jonathan. Hinahaplos-haplos ang mukha nito. Binata na ang anak ko.. dahil sa kanayng paghaplos nagising ang kanyang anak. Nay! Bakit po?! Tanong niya sa ina. Ngumiti ang matanda. Wala naman anak o siya sige matulog ka na at aalis na ako.
Muling bumalik sa kanilang higaan. Pagkakita sa bunso katulad ng ginawa kay Jonathan, hinaplos niya ang mukha nito pagkuwa’y kinumutan.
Muling nahila at niyakap ang bunso sa pagkakahiga hiniling ni Nena sa Diyos na patnubayan ang kanyang mga anak, lalo na si Elena na wala sa tabi niya. Nais man niyang yakapin ngunit wala sa kanyang tabi.
Walang kaalam alam si Nena na malapit na rin siyang mawalay sa kanyang mga anak.























Kabanata VIII
Lunes ng umaga, nagtataka ang dalawa niyang anak dahil kakaiba ang kinikilos niya. Palagi niyang niyayakap ang mga ito. Hinahaplos sa mukha na di naman niya ginagawa dati. Maagang umalis si Nena upang maglako ng gulay at ng meryenda.
Nakakapanibago si Inay kuya Jonathan, palagi niya akong niyayakap at hinahaplos sa mukha samantalang dati hindi naman niya iyon ginagawa. Minsan lang, ngayon araw-araw na.
Oo nga! Sa akin din din eh, iba ang pakiramdam ko Mary, parang may kakaiba ka’y Inay. Sagot ni Jonathan
Hmmm…. Anu yun kuya? Muling tanong ni Mary
Parang….. parang nagpapaalam na siya… pagkasabi nun ay nagkatinginan na silang magkapatid. Nagalit si Mary sa sinabi ng kanyang kuya. Anung pinagsasabi mo kuya? Sinasabi mo bang mawawala na sa atin si nanay na mamamatay na siya ha?
Yumuko ang binata, hindi ko alam Mary, pero yung ang nararamdaman ko sanay wag mangyari ang pakiramdam ko, baka masiraan ako kapag nangyari yun.
Hindi yun mangyayari kuya!!! Pasigaw na sagot ni Mary at umalis.
Naglalakad si Nena patungo sa kanyang suking si Aling Inday, kaunti na lang ang kanyang paninda at siguradong kapag inalok niya it okay Inday papakyawin niya.
Napadaan si Nena sa mga lalaking nag-iinuman, akmang papasok na siya sa daan ng biglang tumayo at nagwala ang dalawang lalaking kapwa lasing na nag-aaway ang mga ito. Panay ang murahan sa isa’t isa, hanggang sa mapikon ang isa at naglabas ng patalim, sinugod ang kaaway na lalaki. Nakaiiwas ito, muling sinugod at dahil walang makuhang panangga, isang matandang babae na may dalang paninda ang hinila at hinarang upang hindi siya masaksak.
Sapul sa kaliwang balikat ang kawawang matanda, dumaloy ang dugo sa kanyang katawan. Nang Makita ng dalawang lalaki ang nangyari agad silang nagtatakbo upang tumakas. Ang kawawang matanda ay iniwang nakahandusay sa lupa. Kung iyong pagmamasdan ang matandang babae ay para na itong naghihingalo, habol ang paghinga, mariing nakapikit ang mga mata ay mababakas mo sa kanyang mukha ang sakit at kirot na kanyang nararamdaman dahil sa pagkakasaksak sa kanyang balikat. Ang mga taong nakasaksi sa pangyayari ay natulala dahil sa pagkabigla. Ngunit agad din nakabawi at nilapitan ang matandang babae na nakahandusay.
Isang babaeng matandang babae ang yumakap ditto at kinalong. Nena! Nena!! Paiyak na tawag ng kumareng Edna ni Aling Nena.
Nagmulat ng mata si Aling Nena kahit hirap ito na magsalita at habol ang paghinga ay pinilit niyang magsalita.
“Edna, ang mga anak ko, wag mo silang pababayaan ha.” Pautal utal na sabi ni Aling Nena. Yong perang inipon ko nasa ilalim ng unan ko kunin mo inipon ko yun para sa darating na pagtatapos ng dalawa kong anak.
Muling naiyak ang kumara na si Aling Edna.
“Nena” pagkuway hinaplos at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha ni Nena. Huwag kana munang magsalita dadalhin ka naming sa ospital.
Umiling ang matanda, huwag na Edna hindi na ako aabot, pakisabi sa mga anak ko na mahal na mahal ko sila”.
Hindi Nena! Pasigaw na sagot ni Aling Edna. Mabubuhay ka! Kaya mo yan! Pagkuway nagtawag ng lalaki at binuhat siya at isinakay sa sasakyan. Ilang sandali pa nasa loob na sila ng ospital.
Sa hapag kainan, magkasalo ang dalawang magkaibigan. Habang kumakain wala sa loob na napaluha ang dalaga, kasabay ng kakaibang kaba ng dibdib.
Elena! Bakit lumuluha ka? May problema ba? Tila nag-aalalang tanong ni Charlene.
Tumingin ito sa kanya at pinahid ng palad ang kanyang luha. Hindo ko alam Charlene, basta na lang tumulo ang luha ko, kakaiba ang pakiramdam ko ngayon, parang…. Parang may nangyaring masama.
Kunot noong tumingin si Charlene sa kanya. Anong nangyaring masama? Saan?
Hindi kaya may nangyaring masama sa mga kapatid ko o kaya naman kay inay? Charlene baka may nangyari sa kanila? Nag-aalalang sabi nito.
“Elena, wala naman siguro.. baka guni guni mo lang yan. Pagkuway sagot ni Charlene.
Hindi! Alam ko may nangyari sa kanila, alam ko nararamdaman ko Charlene. Sabay tayo.
Tumayo na rin si Charlene at kaagad na lumapit kay Elena.
Mas maganda siguro kung puntahan na lang natin sila para malaman mo ang kalagayan nila.
Tango na lamang ang isinagot ni Elena at agad nag-ayos ng gamit.
Ilang oras na biyahe ay nakarating din sila. Hapon na ng sila ay makarating. Pagbaba sa sasakyan nagtungo agad ang dalawa sa kubo. Ngunit walang taong sumalubong sa kainla , kundi katahimikan. Walang tao dito sa inyo Elena. Pagkuway sabi ni Charlene.
Bakit kaya? Saan sila nagpunta? Malungkot na sagot ni Elena.
Isang matandang babae ang pumasok sa kubo at ng makita si Elena ay agad siyang niyakap.
Nagulat naman ang dalaga at hindi agad nakapagreak. Sa pagkalas nila agad nagtanong si Elena.
Aling Edna, nasaan po sila Inay at ang mga kapatid ko? Bakit po wala sila dito?
Malungkot na sumgot ang matanda. Elena, ang Inay mo… nasa ospital ngayon.
Ano po? Nanlaki ang mga mata ni Elena. Agad lumapit si Charlene sa kaibigan upang alalayan.
Ano pong nangyari sa kanya Aling Edna? Sabi ko na may nangyaring masama. Halos magwawala ang dalaga habang umiiyak.
Pakiramdam niyay unti-unting naglaalho ang lahat sa kanya. Ang mga taong inspirasyon niya, ang mga taong nagbibigay lakas loob sa kanya upang marating at makamit ang pangarap saka naman maglalaho ang mga ito.
Inay!!!! Sambit niya…. Habang lumuluha.
Elena, huminahon ka… sa ngayon too kritikal ang lagay niya. Dahil sa saksak sa kanyng balikat, maraming dugo ang nawala sa kanya. Kailangan siyang masalinan agad. At dahil sa kulang ang pera ko hindi pa sapat ang dugong binili ko upang isalin sa iyong Inay. Kaya nandito ako para kunin ang pera sa ilalim ng unan niya par asana yun sa handa sa sarating na pagtatapos niyo ng iyong kapatid na si Jonathan. Wala akong magagawa Elena kundi kunin iyon para rin yun sa ina mo. Ipapaliwanag ko na lang sa kanya, malaki ang maitutulong nito sa kanya para madugtungan pa ang buhay niya. Mahabang paliwanag ni Aling Nena. At tumungo na ito sa kwarto at pagkalabas ay hawak na niya ang isang sobre.
Halina kayo, dadalhin ko kayo kung saang ospital naroon ang iyong ina.
Ilang sandal narrating na nila ang ospital. Nagmamadaling tinungo kung saan nakaukupa ang kanyang ina. Sa tapat ng pinto ng emergency room, lumabas ang isang duktor. Kaagad siyang lumapit dito at nagtanong.
Dok!! Ano na ho ang lagay ng Inay ko? Paiyak na tanong ni Elena.
Kailangan pa niya ng dugo, kulang pa ang isinalin sa kanya. Kritikal pa rin ang lagay niya. Dapat ay masalinan agad siya ng dugo sa lalong medaling panahon.
Walang inaksayang panahon si Elena, lahat ng kailangan ay ginawa niya kahit maubos na ang lahat sa kanya mailigtas lamang ang kaniyang ina.
Diyos ko, iligtas niyo po ang inay ko. Parang awa niyo na.. huwag niyo po siyang kuni sa amin. Sambit at dalangin niya.
Lumipas ang gabi, dahil sa puyat nakatulog si Elena at ang dalawang kasama sa silya. Naunang nagising si Aling Edna, sakto namang papalapit na ang doctor.
Ngumiti ang duktor, pagkuway sumagot nasa maayos na kalagayan na siya ligtas na po siya sa kamatayan.
Sige ho maiwan ko na kayo. Paalam agad ng duktor.
Naiwan ang matanda na nakabakas sa mukha ang kasiyahan. Pagkuway tumingin kay Elena na tulog pa rin. Lumabas ito upang bumili ng makakain. Pag balik niya’y gising na ang mga ito. Masayang Masaya si Aling Edna yun ang nabakas ni Elena sa mukha nito.
Oh!! Gising na pala kayo . tamang tama, nakabili na ako ng makakain natin.
Aling Edna, kamusta na ho si Inay? Tanong ni Elena.
Ngumiti ito. Maayos na siya, ligtas na siya sa kapahamakan. Salamat sa Diyos.
Hindi maipaliwanag ni Elena ang kasiyahang nararamdaman niya.

Pawis na pawis ang dalaga, hirap na hirap sa paghinga, sumisigaw, sigaw na umaabot sa pandinig ni Charlene kaya’t agad itong pumunta sa kanya. Niyugyog ni Charlene ang kaibigan. Elena gising!! Gising!! Napamulat si Elena dahil sa pagkakayugyog sa kanya, bumangon ito. Humihingal, tumutulo ang luha. Elena, binabangungot ka. Nag aalalang tinig ni Charlene.
Napanaginipan ko si Inay at Itay kasama ko daw silang namamasyal, masayang Masaya kami ng biglang napadaan kami sa isang madilim na lugar. Tinatawag ko sila dahil hindi ko sila makita. Hanggang sa magliwanag, nakita ko silang unti unting naglalaho. Lumapit ako upang yakapin sila ngunit huli na, naglaho na silang dalawa at iniwan ako. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang dalaga.
Ginagap ni Charlene ang kamay ni Elena.
Panaginip lang iyon Elena, oo nga’t patay na ang iyong ita’y ngunit ang iyong Inay ay nariyan pa, buhay pa siya. Matulog ka na Elena, pagod ka kaya kung anu-ano na ang napapanaginipan mo.
Ilang sandal pa ay umalis si Charlene at muli nakatulog si Elena.
Habang nagdadan ang mga araw, papalapit ng papalapit ang araw ng pagtatapos ni Elena. M,asaya si Elena dahil alam niyang makukuha ni ya ang karangalan na pinagsisikapan niya. Hindi naman sa pagmamalaki ngunit si Elena ay sadyang napakatalino, hindi malabong siya ang maging cum laude. Pinagsisikapan niyang makuha iyon dahil alay niya sa kaniyang magulang. Bilang pagpapasalamt sa pagmamahal na ibinibigay

Monday, March 15, 2010

masswork

march 13,2010
nagmasswork kami at ang dami naming nilinisan, kami lang ang may pinakamaluwang na area....... hay..... nakakapagod pero masaya kasi puro kami picture ng picture kaya ayun kahit paano naibsan ang aming pagod
ok lang na pahirapan kami basta magkakasama kaming magkakaklase masaya na kami roon

Saturday, March 6, 2010

1980:GALAW NG LIPUNAN REBOLUSYON O PAGBABAGO

nakakatuwa kasi ito yung second term exam namin sa major namin sa dula at nobela. garbe hirap kasi hindi ako maiyak pero buti na lang nung oras na para a pag-arte yun naiyak ako at ang mga manonood napaiyak rin nain ibig sabihin nadala sila sa pinresent namin. at ito pa nanood yung mahal ko jejeje ooopss.... ex ko na lang pala.. hindi naman ako naconcious mas mailabas ko nga lahat n emosyon ko asi lahat ng sakit na nararamdaman ko eh nailabas ko.. 1-50 48 ang nakuha ng grupo ko at masaya ko. lahat kami ay nagsaya nagtulunan. bago manyari yung presentasyon namin nagkagulo pa nagkaroon n sumbatan portion buti na lang naayos kaagad....
hinding hindi ko ito makaklimutan....NAPAKASAYA...

Wednesday, February 24, 2010

loving is so paintfull

bakit ganoon? kung kelan ka nagmahal ng totoo at tapat saka ka aman lolokohin.. hay! sabagay sabi nga ni kuya ang love raw ay masarap at masaya lang sa una at hindi ito nagtatagal. or maybe nakadepende ito sa kapartner mo. hay, love, love, love... ang gulo. masakit hay.. mahal ko siya kahit ganoon ginawa niya sa akin. ganun talaga nagmamahl ka eh, ang love parang sugal depende na ito sa iyo kung marunong kang maglaro... ngayon, hindi muna ako papasok sa isang relasyon. hindi pa ko ready... pero mga ilang linggo lang kasi hindi naman natatapos sa kany ang buhy ko... kaya kaya ko to. di ba????????? pray na lang kay BRO....

Monday, February 22, 2010

"PAINTFUL LOVE"

No air....
I cant breath because of pain
My heart is trembling
Half conscious of escaping to oblivion
I want to escape to the world of love
I have had enough, please!
Please stop.!
But i cant control my self in loving you.
What a damned feeling so FOOLISH....
I believe in every single world you've said
That you and i will be together,
But, maybe it is not the time for us to be with again
Time pass by and still i cant go on
You left my heart alone, broken.!
and i realize loving you is just a big MISTAKE!!!!!!
BY; ERIALC22